Alinsunod sa programang pagbabakuna na inilunsad ng ating pamahalaan kontra Covid-19, ang mga sumusunod ay ang mga dokumento na kinakailangang dalhin upang mapatunayang kabilang sa mga priyoridad na grupo.
Mga karagdagang dokumento na kinakailangang dalhin base sa priyoridad:
Ang mga dokumentong nabanggit ay kinakailangan dalhin at ipakita sa "Bakuna Site", Ang hindi pagdadala at pagpapakita ng kinakailangang dokumento ay magreresulta sa pagkaantala ng inyong pagpapabakuna.
Kayo ay kokontakin ng awtorisadong kawani ng City Health Office para sa inyong "schedule" matapos ma verify ang inyong registration, kinakailangan na sagutin ang "text message" ng buong pangalan ng taong babakunahan upang makonsiderang kayo ay makakapunta sa naitakdang "schedule", ang hindi pagsagot sa "text message" bago ang tinakdang "Due Date" ay ikokonsiderang pagtanggi na makapunta sa inyong "Schedule" at pipili muli sa listahan ng mga gustong magpabakuna kapalit ng inyong slot
Pumunta sa Gapo LVOC Communication City Health Office FB Page para sa karagdagang impormasyon. Maari din makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center para sa mga katanungan.
Maraming Salamat Po!